Joshua Garcia at Julia Barretto, “magkakabalikan”


Magbabalik-tambalan para sa isang pelikula ang former celebrity couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa ilalim ng ABS-CBN Star Cinema at VIVA Films na may pamagat na “Un/happy for You” na nakatakda ring ipalabas sa local cinemas ngayong taon.

Sa mga ibinahaging larawan ng Star Cinema, makikita ang ilang snaps ng upcoming movie na pagbibidahan ng dalawa sa ilalim ng direksyon ni Petersen Vargas.

“During their recent live New Movie Alert, JoshLia gave fans a taste of what’s to come with a gripping look test featuring their characters as real-to-reel-life exes,” ayon sa post ng Star Cinema.

Matatandaang naghiwalay sina Joshua at Julia noon pang June 2019.

Sa kasalukuyan, in a relationship si Julia Barretto sa aktor na si Gerald Anderson habang si Joshua Garcia naman ay nali-link sa rumored girlfriend niyang French-Filipina athlete na si Emilienne Vigier.

 


Like it? Share with your friends!

Alexandra Furio
Alexandra Javier-Furio is a book author, professional freelance journalist and businesswoman.

Comments

comments