Lalaki, Patay Matapos Tamaan ng Elisi ng Speed Boat Habang Naliligo sa Dagat


Patay ang isang lalaki matapos matamaan ng elisi ng speed boat sa dagat sa Barangay Bagongbayan Laua-an, Antique.

Kinilala ang biktimang si Hanzel Buyco, 29 years old at residente ng nasabing lugar.

Kasalukuya noong nakikibahagi si Buyco sa isang duck hunt event ng kanilang komunidad kung saan ang mananalo ay mag-uuwi ng premyong dalawang libong piso.

Sakto naman noong nagpa-practice ang driver ng motor speed boat na si Mark Michael Acosta para sa isang boat racing.

Sa viral video, makikita na sa pag-angat sa ere ng speed boat dahil sa sobrang bilis ay natamaan nito ang biktima. Ayon sa mga nakasaksi, tinamaan daw ng elisi ng speed boat sa leeg si Buyco at nasugatan sa braso.

Mabilis namang rumesponde ang local authorities kung saan makikitang hinahatak ang duguang biktima papuntang pampang.

 


Like it? Share with your friends!

Alexandra Furio
Alexandra Javier-Furio is a book author, professional freelance journalist and businesswoman.

Comments

comments