Viy Cortez, Ipinasilip ang Prenup Photoshoot Nila ni Cong TV


Excited na ibinahagi ng social media personality na si Viy Cortez ang prenup by the beach photoshoot nila ng asawang si Cong TV o Lincoln Velasquez bilang bahagi ng paghahanda sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Prenup shoot nina CongTV at Viy Cortez | Photo courtesy of Viy Cortez, Nice Print Photo

Nag-uumapaw naman ang kilig ng mga netizen na all-out support sa long-time social media celebrity couple.

Kasama rin nila ang kanilang anak na si Kidlat sa ilang mga kuha para sa naturang photoshoot.

Taong 2021 nang ianunsyo ng dalawa ang pagbubuntis ni Viy. 2022 naman nang ipaalam din ng couple sa kanilang mga tagahanga na sila ay officially engaged na.

#PerfectCONGVIYNation ang magiging official hashtag sa kasal nina Viy at Cong. Wala pang pormal na anunsyo ang dalawa kung kailan ang mismong araw ng kanilang kasal.


Like it? Share with your friends!

Alexandra Furio
Alexandra Javier-Furio is a book author, professional freelance journalist and businesswoman.

Comments

comments