Daniel Padilla, Napamura Habang Kumakanta sa Kanyang Birthday Celebration


Napamura si Daniel Padilla habang kinakanta ang awiting ‘Hinahanap-hanap Kita’ ng Rivermaya sa gitna ng kanyang 29th birthday celebration.

Sa TikTok video na in-upload ng isang netizen na may username na @jaix_16, makikita si DJ na kumakanta kasama ang isang live band. Sa isang bahagi ng kanta, nagulat na lang ang lahat ng biglang nagmura ang aktor.

“T*ng*na may kapiling ka nang iba!” sigaw ni Daniel sa pagitan ng pagkanta na ikinahiyaw naman ng mga naroon.

@jaix_16 At ngayon putangina may kapiling ka ng iba” || i fell your pain deej🥺😭 #danielpadilla #foryou #fyp #fypp #foryoupage #xzycba #trending #viral ♬ original sound – Jaix&lt3

Matatandaang nag-celebrate ng birthday si Daniel nitong April 26.

Noong November 30, 2023, kinumpirma nina Daniel at ng dating nobyang si Kathryn Bernardo na sila ay hiwalay na.

Nitong mga nakaraang linggo naman ay nai-issue na nanliligaw na umano ang Kapuso actor na si Alden Richards kay Kath.

Hindi naman napigilan ng ibang netizen na makaramdam ng inis kay DJ lalo na’t may alleged cheating issue ito.


Like it? Share with your friends!

Alexandra Furio
Alexandra Javier-Furio is a book author, professional freelance journalist and businesswoman.

Comments

comments