Diwata, May Sagot sa Sinabi ni Ogie Diaz Tungkol sa Tinda Niyang Pares


May naging tugon ang content creator at may-ari ng Diwata Pares Overload na si Diwata o Deo Jarito Balbuena sa totoong buhay sa recent blog ng celebrity manager and content creator din na si Ogie Diaz.

Diwata

Sa naunang post ni Ogie Diaz, matatandaang sinabi niyang masarap ang pares na tinda ni Diwata ngunit hindi ito para sa lahat.

Via Ogie Diaz Showbiz Updates (Youtube)

“Okay naman. Hindi rin ganun ka-fabulous. Pero okay na for 100 pesos.For 100 pesos, okay naman siya. Pero may mga kaibigan tayo na hindi pasok sa panlasa nila,” ani Ogie. “Kaya naman pala dinadayo si Diwata.”

May naging tugon naman si Diwata ibinahagi ng vlogger na si SALOMO21.

Ang sagot ni Diwata, “Kung hindi mo gusto ang lasa… marami diyang iba. Hindi lang naman tayo ang nagtitinda ng pares.”

Dagdag pa ni Diwata, hindi niya pinipilit ang mga tao na bumili ng paninda niya at maaari silang maghanap ng swak sa panlasa nila.


Like it? Share with your friends!

Alexandra Furio
Alexandra Javier-Furio is a book author, professional freelance journalist and businesswoman.

Comments

comments