Manny at Jinkee “Nilanggam” Sa Recent Photo, Senyora Napa-Comment


Kinilig ang mga netizen at supporter ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa recent post nila sa social media account ng dating senador at professional boxer sa kanyang Facebook page kung saan naka-tag pa ang kanyang esposa.

Malagkit na titigan ng mag-asawang Manny at Jinkee

Halos langgamin ang dalawa sa kanilang pose kung saan naka-pink sweater at shades si Jinkee habang naka-army green and grey sweater naman ang Pambansang Kamao.

Hindi nakaligtas sa social media personality na si Senyora ang matamis na larawan kaya maging siya ay napa-comment ng tila nagbibigay ng sarili niyang caption sa kakilig-kilig na posing ng mag-asawa.

Nitong nakaraan lamang ay nag-post si Jinkee na siya ay nasa South Korea kasama ang dating senador.


Like it? Share with your friends!

Alexandra Furio
Alexandra Javier-Furio is a book author, professional freelance journalist and businesswoman.

Comments

comments