Senyora, May Komento Sa Lovelife ni Xian Lim, Xian Napa-block?


Diretsahan ang reaksyon ng social media personality na si Senyora sa recent revelation ni Xian Lim na nasa dating stage ito at ang film producer na si Iris Lee.

Matatandaang noong Disyembre lamang ng nagdaang taon nang kumpirmahin ng ex-girlfriend ni Xian na si Kim Chiu na hiwalay na sila ng Kapuso actor.

Sa recent news post ng GMA, makikita ang headline na “Xian Lim has confirmed that he is currently dating film producer Iris Lee.”

Nag-comment doon si Senyora ng “Listahan ng nagulat” kasunod ang isang larawan ng isang blangkong papel.

Hindi natapos doon ang komento ni Senyora dahil ibinahagi pa niya ang screenshot ng post at comment niya sa sarili niyang page na may caption na, “Buong Pilipinas, walang pake!”

Kasunod naman niyon ang post din ng social media personality kung saan makikita sa screenshot na ni-block siya ni Xian sa X (dating Twitter).

“Parang binibiro ka lang Xian Lim e haaaays” ang caption ni Senyora.

Hindi ba nagustuhan ng aktor ang mga komento niya?


Like it? Share with your friends!

Alexandra Furio
Alexandra Javier-Furio is a book author, professional freelance journalist and businesswoman.

Comments

comments