Dalawang Pulis Nahuling Nagtatalik Ng Mga Asawa Nilang Pulis Din


Nahuli umano sa akto ang dalawang pulis na nagtatalik sa isang parking lot ng mall sa Laguna. Ang nakakita mismo, mga asawa nilang pareho ring pulis.

Sa report ng Laguna Police Provincial Office, nasilip mismo umano sa akto ng mga nagrereklamong pulis ang mga kabiyak na nagtatalik sa loob ng isang naka-park na vehicle sa Barangay Canlubang, Calamba City noong April 25 nang umaga.

Sa tulong ng tip na nakitang magkasama ang magkalaguyo sa isang mall, nagpunta ang dalawang nagrereklamong pulis upang kastiguhin ang kanilang mga asawa na matagal na nilang pinaghihinalaang may palihim na relasyon.

Sinubukan pa umanong banggain ng mga suspek ang mga nakahuling kabiyak bago umalis sa nasabing parking lot.

Nabaril ng babaeng pulis ang asawa niyang lalaking suspek sa binti at balikat, dahilan para hindi na ito makaalis pa sa lugar na pinangyarihan ng pagtataksil.

Dinala ang lalaking suspek sa Global Medical Center sa Canlubang upang lapatan ng paunang lunas.

Tumakas naman ang babaeng suspek gamit ang sasakyan nito patungong Batangas na naging dahilan ng pagkasa ng manhunt operation.

Nahaharap sa kasong adultery at concubinage ang dalawang suspek.


Like it? Share with your friends!

Alexandra Furio
Alexandra Javier-Furio is a book author, professional freelance journalist and businesswoman.

Comments

comments