Marian Rivera, Bumalik Sa Pagiging “Marimar”


1
1 point

Makalipas ang 17 taon ay tila bumalik sa kanyang “Marimar” era si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes matapos niyang i-post ang kanyang recent transformation ng isa sa mga pinakasikat na karakter na ginampanan niya sa show business.

Sa post ni Marian sa Facebook, makikita ang recent reel niya kung saan nag-transform siya bilang ang titular character na si Marimar, na isa sa mga pinaka-successful Mexican novela adaptation noon ng GMA Network.

Mabilis namang nag-trending ang nasabing video na kasalukuyang mayroong mahigit 20 million views sa nasabing social media platform.

 

Iba-iba ang komento ng mga netizen na tila napa-throwback sa post ni Marian na may caption na “Taking you back to 2007-Asoka style.”

Maging ang international fans ni Marian ay kinagiliwan ang naturang post.

Hinihiritan din tuloy si Marian ng ilang netizen na mag-post pa ng ibang throwback transformation tulad ng karakter niyang si Amaya na isa rin sa mga pinaka-successful niyang project noon sa GMA.

Narito ang buong video:

WATCH NOW


Like it? Share with your friends!

1
1 point
Alexandra Furio
Alexandra Javier-Furio is a book author, professional freelance journalist and businesswoman.

Comments

comments