Matinding Init, Hindi Pa Maituturing Na Heat Wave Ayon Sa PAGASA


Hindi pa raw maituturing na heat wave ang nararanasang init ng mga Pilipino, ayon mismo sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. Ito ay sa kabila ng matinding init na ilan linggo nang nararanasan sa halos lahat ng panig ng bansa.

Nilinaw ni Dr. John Manalo, climatologist ng PAGASA, na hindi pa rin heat wave ang nararanasan ng bansa. Sabi ng PAGASA, masabing heat wave ang matinding init, kailangang five degrees celsius na mas mataas ang naitatala kesa sa pangkaraniwang temperatura.

“Ang mga lugar na mababa tulad ng Tuguegarao, Dagupan, Aparri, at ilang bahagi ng Eastern Samar at Mindanao ay nakakaranas ng mas mataas na heat index,” paliwanag pa ni Manalo.

Dagdag ng eksperto, bukod sa mababang altitude, ang layo mula sa baybayin, ilog, at iba pang bodies of water ay nagiging factor din sa nararanasang init.

Sa post ng PAGASA ngayong Sabado, 44 na lugar sa bansa ang maaaring makaranas ng “danger level” ng heat index. Pinakamataas dito ang posibleng 48 degrees celsius na pumalo sa Dagupan City, Pangasinan na sinundan ng 46 degrees celsius sa Apari, Cagayan.

Patuloy namang pinapayuhan ng mga eksperto na manatiling hydrated at magbaon ng payong ang mg Pilipino lalo na ang mga nae-expose sa init sa maghapon.


Like it? Share with your friends!

Alexandra Furio
Alexandra Javier-Furio is a book author, professional freelance journalist and businesswoman.

Comments

comments