Aliw na aliw ang netizens sa recent post n Heart Evangelista sa TikTok kung saan itinuro ng real life Crazy Rich Asian celebrity and socialite kung paano gawin ang “rich girl laugh” o pagtawa ng isang mayaman.
Sa isang recent TikTok post ni Heart, makikita ang isang highlighted question mula sa isang netizen na may username na @Liah: Miss Heart paano daw po gawin yung ‘Rich Girl laugh?’

Sinagot naman ito ng aktres sa hiwalay na video kung saan ipinakita niya kung paano gawin ang naturang klase ng tawa na “exclusive” sa pang-mayaman.
Simple lang daw ang step na kailangang sundin.
“Dapat bilang,” pagde-demo pa ng misis ni Senator Chiz Escudero.

Sabi pa ni Heart sa caption, “Less than 5 steps, bilyonarya ka na.”
Umani ng 7 million views at libu-libong comments ang nakakatawang TikTok post na ito.
@lme85 Replying to @Liah ♬ original sound – Heart Evangelista