Ramil Albano, ang lalaking nagpa-tattoo sa noo, nakatanggap ng tulong mula sa mga ilang businesses at personalidad.


-1
-1 points

Ang viral na Taragis Tattoo April Fools’ prank ay nagdulot ng malaking ingay at kontrobersya sa social media. Isa sa mga nabiktima ng prank ay isang tatay na nagpa-tattoo ng logo ng Taragis sa kanyang noo, asa sa pangako ng 100,000 pesos mula sa nasabing kompanya. Subalit, sa kabiguan ng lalaki, itinanggi ng Taragis na seryoso ang kanilang pangako, at itinuring na April Fools’ joke lamang ang kanilang patutsada.

 

Ang insidente ay agad na nag-viral at nagdulot ng maraming reaksyon mula sa mga netizens. Marami ang nagpahayag ng kanilang galit at pagkadismaya sa pangyayaring ito, anupaman, may mga nagbibigay rin ng suporta at simpatya sa naapektuhang tatay. Ang kanyang pagpapakumbaba at pagtanggap sa kanyang pagkakamali ay naging inspirasyon sa marami, nagpapakita ng kahalagahan ng pagtanggap sa mga pagkakamali at ang paglalagay ng halaga sa integridad at dangal.

 

Ngunit sa kabila ng nangyareng insidente, nakatanggap si Mr. Ramil Albano ng mga tulong at premyo. Isa sa mga tumulong ay ang Chizmozza, Mr. Wilbert Tolentino at ang Project Glow up.

 

Post from ChizMozza

 

Post from Wilbert Tolentino

 

Post from: Project Glow Up

 

Sa ngayon, marami pa ring gusto magpadala ng tulong kay Tatay Ramil. Marami rin ang gusto makita si tatay Ramil ng personal para makapag paaabot rin ng tulong.


Like it? Share with your friends!

-1
-1 points
PH Trending

Comments

comments