Pumukaw ng atensyon ang isang Facebook post ng isang anonymous user na tila hindi natutuwa sa pagiging pala-post ng kaibigan niya sa social media tungkol sa lahat ng achievement nito.
Sa screenshot post na ibinahagi ng page na pagmamay-ari ng content creator na si Mommy Heids, sinabi ng isang anonymous poster na hindi siya natutuwa sa posts ng kaibigan niya.
Ayon sa nag-post, mabait naman ang pinatutukuyang kaibigan pero naiinis siya dahil bawat galaw raw nito gaya ng pagbili ng cellphone, pagbili ng damit, pagpuntang mall ay naka-post.
Siya naman daw ay maraming achievements pero ni minsan ay hindi nagpo-post dahil hindi diary ang Facebook.
Pinutakte naman ng negatibong komento ang post na ito.
Ayon sa mga netizen, inggit ang nararamdaman ng nag-post.
Mayroon namang nagbiro na dapat nakahiwalay ang Facebook ng mga inggitera.
Pinayuhan din ang nag-post na mag-focus sa sariling buhay para magkaroon ng peace of mind.
Ikaw, ano ang masasabi mo sa naturang post? May basehan nga ba ito o dapat hayaan ang mga taong magbahagi ng anumang gusto nilang ibahaging achievement sa social media?