Pabiro ang caption ni GMA Synergy Sportscaster Martin Javier sa kanyang Instagram post kung saan makikitang muli silang nagkita ni Miss Universe Philippines Michelle Dee sa isang event sa Pangasinan.
“Ang napili ngayong gabi,” ang caption ni Martin sa IG post kung saan kasama niya ang beauty queen.
Muling nagkita ang dalawa sa Limgas ng Pangasinan 2024 pageant sa Lingayen sa nasabing lalawigan kung saan nagsilbing host si Martin at hurado naman si Michelle.
Matatandaang lumabas ang dalawa sa matchmaking segment ng “ExPecially For You” ng It’s Showtime. Isa si Martin sa tatlong pinagpilian ng beauty queen na maka-date.
Kasama ng sportscaster sa choices ang content creator na si Kevin Ty at ang lawyer na si Oliver Moeller na siyang pinili ng reigning Miss Universe Philippines.