Deniece Cornejo, Nahatulang “Guilty” sa Serious Illegal Detention Kay Vhong Navarro


-1
-1 points
Deniece Cornejo and her co-accused, Simeon ‘Zimmer’ Raz, along with Cornejo’s grandfather Rod Cornejo, mother, and brother, were seen at the Regional Trial Court prior to the announcement of the guilty verdict on Thursday.
Courtesy of One PH

Nahatulang guilty si Deniece Cornejo sa kasong serious illegal detention sa It’s Showtime host na si Vhong Navarro.

Hinatulan ng guilty ng Taguig Regional Trial Court ang modelo, maging ang mga kasama nitong si Cedric Lee at dalawang iba pa kaugnay ng kinasangkutan nilang gulo noong January 22, 2014 kung saan inakusahan ni Vhong si Deniece at ang mga kasama nito ng hindi makatarungang pagkulong sa kanya sa condo unit ng mga ito. Matatandaang ayon kay Navarro, binugbog at tinakot siyang papatayin ng grupo nina Lee.

Ayon kay Cornejo, pinagtangkaan siyang halayin ni Navarro nang pumunta siya sa condo unit nito sa Taguig City. Mariin naman itong itinanggi ng host-actor.

Matapos ang mahigit isang dekadang pagdinig ay pinaburan ng korte si Navarro.

Nagpasalamat naman ang host sa live telecast ng It’s Showtime.

“Gusto ko munang [kunin] ang pagkakataon na ito para magpasalamat. Of course, maraming-maraming salamat Lord dahil lagi Kang nakagabay sa akin. Sa dami nang pinagdaanan ko sa buhay nandiyan ka, Ikaw ang naging sentro ko at na napakatotoo Mo, kaya maraming-maraming salamat,” pasasalamat ni Navarro.

Nananawagan naman ang kapulisan kay Cedric Lee na sumuko matapos itong hindi sumipot sa pagbasa ng hatol habang si Cornejo ay dadalhin sa Correction Institution for Women sa Mandaluyong City.

 

 


Like it? Share with your friends!

-1
-1 points
Alexandra Furio
Alexandra Javier-Furio is a book author, professional freelance journalist and businesswoman.

Comments

comments