Sinampahan ng tatlong magkakahiwalay na kaso ng cyberlibel ang aktres na si Bea Alonzo laban sa mga showbiz columnist at host na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin maging sa mga kasama nito sa kani-kanilang co-hosts sa kanilang mga programa.
Naghain ng pormal na kaso si Bea sa Quezon City Prosecutors Office kasama ang kanyang abogadong si Atty. Joey Garcia at manager na si Shirley Kuan.
Naghain din siya ng reklamo laban sa basher na nagpapanggap na malapit sa kanya.
Ayon sa kanyang complaint affidavit, sinabi ni Bea na siya ay biktima ng “false, malicious and damaging information.”